Politika, Ano na?
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan", ika nga ng karamihan, ngunit paano huhubugin ang kaisipan ng mga tao kung wala ang edukasyon. Ayon sa iba, ang edukasyon ay isang solusyon na maghahatid ng karangyaan, katalinuhan, at pag-usbong ng isang indibiduwal. Ito rin ay isang uri na may kinalaman sa karapatang pantao. Ngunit, minsan ang sistema ng edukasyon sa ating bansa ay hindi ganoong kaganda o kasing-linis na inaakala ng iba. Ang masaklap pa rito ay lantad na ang katiwalian ng gobyerno sa mga paaralan, ngunit hindi natin ito nakikita sa negatibong pananaw. Marahil ang dapat gawin ng mga tao sa loob ng larangan ng edukasyon ay ang ipamulat sa mga estudyante ang tunay na pangyayari sa ating bansa. Walang labis, walang kulang. Pawang katotohanan lamang. Ang kasaysayan, politika, at edukasyon ay tatlong mahalagang sandata upang makalaya tayo mula sa kapangyarihan ng mga oligarko, dayuhan, at naghaharing-uri sa lipunan, at upang makamit ang tunay na kalayaan at kasarinlan ng bansa. Maraming tao ang nagsasabi na ang mga mamamayan ang may kapangyarihan dahil sila ang pumipili ng mga politiko. Pero bakit hanggang ngayon, ang mga Pilipino pa rin ang naghihirap? Kasalanan ba nila? O hindi lang nila nakikita ang totoo? Ang mga nangyayari ngayon ay nagpapakita na ang pulitika sa ating bansa ay magulo at mahirap intindihin. Mayroon tayong mga batas, pero hindi naman maayos ang pagpapatupad nito. Madalas, hindi sinusunod ang mga batas, at mas nakakagulat pa, ang mga nasa mataas na posisyon ang mas hindi sumusunod.
HINDI DAPAT GINAGAMIT ANG MGA ANAKPAWIS PARA SA PAG-UNLAD NG MGA KAPITALISTA!
Kaya dapat lamang na isulong ang transformative education, ang edukasyon na ito ay tungkol sa pagbabago ng pananaw natin sa mundo at sa ating sarili. Tinutulungan nito ang ating sarili na mahanap ang kontribusyon sa lipunan. Ang pagtataguyod nito ay isang malaking hakbang tungo sa pagbabago ng bansa at mas umusbong ang tunay na demokrasya at para na rin sa unti-unting pagbabago ng sistema ng bansa.
Maganda yung topic and the used words is very maganda rin. Siguro mas lalong magiging effective to kung may credible source na nabanggit, but it’s impactful na kaya all goods na rin. MAGALING
ReplyDeleteGanda ng pagkaka bahagi ng impormasyon sa blog na ito grabe talaga
ReplyDeleteNapakahusay! Napakalinaw ng mga impormasyon na nakasaad.
ReplyDeleteAng iyong pagsusulat ay may malalim na mensahe na nagpapakita ng pagkakaroon ng malasakit sa kalagayan ng edukasyon at politika sa bansa. Malinaw at makapangyarihan ang iyong mensahe na naglalayong magpabago at magmulat sa mga tao patungkol sa mga isyung pampulitika at panlipunan.
ReplyDeleteAng iyong essay ay malinaw at mahusay ang pagkakabuo, madaling sundan at may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
ReplyDeleteMahusayyy! ang Blog na ito ay nakaka engganyo at punong puno ng mga ideya na maaaring kapulutan ng aral. Ang bawat detalye ay may kahulugan, lalo na ang mga katagang HINDI DAPAT GINAGAMIT ANG MGA ANAKPAWIS PARA SA PAG-UNLAD NG KAPITALISTA. Nakuha nito ang atensyon ko at super nag enjoy akong basahin ito.
ReplyDeleteAng blog na iyong ginawa ay nagtatampok ng kritikal na pagsusuri sa estado ng edukasyon sa Pilipinas, na binibigyang-diin ang mga pangangailangan para sa transformative education upang mapabuti ang kamalayan ng kabataan at labanan ang katiwalian sa lipunan. Ngunit mas nag stand out siya para sa akin nung may sinama mo ang part na ito "HINDI DAPAT GINAGAMIT ANG MGA ANAKPAWIS PARA SA PAG-UNLAD NG MGA KAPITALISTA!" Napakahusay!
ReplyDeleteMahusay ang paglalahad ng mga impormasyon , makikita ang pagkakaroon ng koneksyon sa kabataan, politika, at lipunan. Malinaw na naibahagi ang mensaheng nais iparating. Matibay na ibinahagi ang pananaw ukol sa pagsulong ng edukasyon kung saan makakatulong upang mabago ang pananaw sa sarili at sa mundong ating ginagalawan.
ReplyDeleteAng ganda ng topic, napakahusay at nag-enjoy akong magbasa
ReplyDelete