Larawan ng Politika
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan", ika nga ng karamihan, ngunit paano huhubugin ang kaisipan ng mga tao kung wala ang edukasyon. Ayon sa iba, ang edukasyon ay isang solusyon na maghahatid ng karangyaan, katalinuhan, at pag-usbong ng isang indibiduwal. Ito rin ay isang konsepto na may kinalaman sa demokrasya at karapatang pantao. Ngunit, minsan ang sistema ng edukasyon sa ating bansa ay hindi ganoong kaganda o kasing-linis na inaakala ng iba. Ang malala pa rito ay nakikita na ang karumihan ng gobyerno sa mga paaralan at hindi natin nakikita ang mga ito sa negatibong paraan. Marahil ang dapat gawin ng mga tao sa loob ng larangan ng edukasyon ay ang ipamulat sa mga estudyante ang tunay na pangyayari sa ating bansa. Walang labis, walang kulang. Pawang katotohanan lamang. Ang kasaysayan, politika, at edukasyon ay tatlong mahalagang sandata upang makalaya tayo mula sa kapangyarihan ng mga oligarko, dayuhan, at naghaharing-uri sa lipunan, at upang makamit ang tunay na kalayaan at kasarinlan ng bansa. Sabi nila, mamamayan ang siyang makapangyarihan dahil sila lamang ang may karapatang magluklok ng isang politiko sa posisyong kanyang nais. Pero bakit hanggang ngayon ay sambayanang Pilipino pa rin ang nagdurusa? Kasalanan ba nila ito? O sadyang bulag-bulagan lamang sila sa kung ano ang tunay na nangyayari? Sa mga sitwasyong ito, nagpapatunay lamang na ang politika sa ating bansa ay magulo at masalimuot. Meron nga tayong sistemang tinatawag pero hindi naman ito organisad, batas sa Pilipinas ay kalimitang sinusunod at ang mas malala pa dito ay kung sino pa ang mataas ang posisyon ay siya pang hindi sumusunod.
HINDI DAPAT GINAGAMIT ANG MGA ANAKPAWIS PARA SA PAG-UNLAD NG MGA KAPITALISTA!
Kaya dapat lamang na isulong ang transformative education, ang edukasyon na ito ay tungkol sa pagbabago ng pananaw natin sa mundo at sa ating sarili. Iminumulat nito ang ating kamalayan sa mundo at suliranin nito.Tinutulungan nito ang ating sarili na mahanap ang kontribusyon sa lipunan. Ang pagtataguyod nito ay isang malaking hakbang tungo sa pagbabago ng bansa at mas umusbong ang tunay na demokrasya at para na rin sa unti-unting pagbabago ng sistema ng bansa.
Comments
Post a Comment